Panahon ng mga Banal
December 29, 2003 | 12:00am
Hindi man natuloy ang rematch ng magkaribal na koponang Ateneo de Manila University at De La Salle University, maihahanay pa rin sa mga klasikong laro ang finals ng UAAP sa taong ito.
Itoy dahil sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng UAAP, nagkaharap ang magkapatid na coaches.
Tinagurian itong Holy War dahil sa paghaharap ng magkapatid na Koy, ang coach ng Far Eastern University at Joel Banal ng Ateneo Blue Eagles.
Mas kinatigan ng Diyos ang mas nakababatang si Koy sa pamamagitan ng 2-1 panalo-talo sa klasikong best-of-three series ng Tamaraws kontra sa Ateneo.
Tinapos ng Far Eastern ang anim na taong pagka-uhaw sa titulo sa tulong nina Arwind Santos, Mark Isip, Dennis Miranda, Gerard Jones at Cesar Catli na dumiskaril sa kampanya ng Ateneo sa back-to-back title.
Nasayang din ang lahat ng hirap ng Blu Eagles para makarating sa kampeonato nang kanilang daanin ang bagyong hatid ng mahigpit na karibal na De La Salle University.
Bagamat may taglay na twice-to-beat advantage ang Eagles, masikip ang kanilang naging daan patungo sa best-of-three finals di gaya ng Tamaraws na walang naging problema sa pagdispatsa sa University of the East sa Final Four.
Nahatak ng Archers sa Game-Two ang semis match laban sa Ateneo kung saan mayroon na silang bentahe dahil sa pagkakasuspindi ng kanilang star player na si L.A. Tenorio.
Ngunit nakaligtas ang Eagles sa mahigpit na hamong ito nang kanilang diskarilin ang Archers upang makadiretso sa championship.
Nauwi sa wala ang paghihirap ng UE Warriors na nabigyan ng pagkakataon sa Final Four matapos paboran ng UAAP board sa kanilang protestang I-nullify ang triple ni Junjun Cabatu sa elimination ending game na nagkaloob ng tagumpay sa La Salle.
Ang tanging konsolasyon na lamang ng East ay ang pagkakahirang ni James Yap bilang Most Valuable Player ng taon ngunit nabahiran ito ng kontrobersiya.
Tinalo ni Yap ang mga pinapaborang manalo na sina Santos at Mark Cardona ng Green Archers na parehong nangunguna sa statistical points.(Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am