^

PSN Palaro

'Para sa lahat' -Reyes

-
"Para sa lahat."

Ito ang sinabi ni coach Chot Reyes pagkatapos makopo ang titulo sa PBA Samsung Reinforced Conference.

Parang ito ang sinasabi ng napapanood nating commercial ng Coca-Cola sa TV.

Pero dinugtungan pa ito ni Reyes.

"Ang panalo naming ito ay para sa lahat ng Coca-Cola fans, sa ma-nagement, at para kay Lord," aniya. "Sana’y magsilbi itong inspirasyon sa lahat na kahit maliit lamang ay puwedeng manalo kung may sipag at tiyaga."

Nakopo ni Reyes ang kanyang ikaapat na titulo matapos ihandog ang ikalawang championship trophy sa Tigers na nag-kampeon sa All-Filipino Conference noong nakaraang taon.

"Teamwork has been given much premium on success this decade the way management was in the eighties and leadership in the nineties," ani Chot Reyes, na kabilang na ngayon sa listahan ng mga winningest coach "But when I talk about teamwork, I don't speak it just in terms of our team or the league. The example that we set on the court should take on a much bigger perspective, maybe even on a national scale for instance."

Umaasa si Reyes sa pamamagitan ng kanilang panalo kahit under rated lamang sila bago magsimula ang kumperensiya at kahit lumaban sila sa finals na maraming may injury sa players, magsi-silbing inspirasyon ito sa mga tao.

"Because if people work together in this country or anywhere the way my team has done so any type of success is possible," sabi pa ni Reyes.

ALL-FILIPINO CONFERENCE

CHOT REYES

COCA-COLA

NAKOPO

PERO

REYES

SAMSUNG REINFORCED CONFERENCE

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with