^

PSN Palaro

RP netters nakuntento na lamang sa bronze

-
HO CHI MINH City -- Pinahirapan muna ng Pinay netters ang Indone-sian bago tuluyang sumuko sa 2-1 at makuntento sa bronze medal na pagtatapos sa women’s team event ng tennis competition ng 22nd Southeast Asian Games sa Lan Ahn Club outdoor courts dito.

Ginapi ni Czarina Mae Arevalo ang world rated na si Sandy Gumulya, 7-6 (5), 4-6, 7-6 (7) sa ikalawang singles at mapuwersa ang 1-1 pagtatabla at bahagyang kabahan ang Indons.

Nakipagtambalan si Arevalo kay Patricia Santos sa doubles ngunit pawang kamalian ang nagawa na nagbigay daan sa matagal nang magkakamping sina Wynne Prakusya at Maya Rosa na nagbigay sa Indons ng panalo.

Nauna rito, nakuha ng Indons ang abante nang pabagsakin ni Septi Mendi si Ann Patricia Santos, 6-4, 6-2.

Ang panalo ng mag-partner na Pinay ay nagbigay sa kanila upang mapantayan lamang ang bronze medal na tinapos nila noong 2001 edition ng SEA Games sa Kuala Lumpur.

Makakaharap ng Indons para sa gintong medalya ang top seed Thai-land na tumalo naman sa Vietnamese, 3-0 sa isa pang semifinal match.

Samantala, nakatakda namang magbalik aksiyon si Johnny Arcilla, silver medalist sa first Afro-Asian Games sa men’s singles event.

Makakaharap ni Arcilla si Min Min ng Myanmar habang si Arevalo naman ay makikipagpalitan ng raketa kay Chit Su Yee.

AFRO-ASIAN GAMES

ANN PATRICIA SANTOS

AREVALO

CHIT SU YEE

CZARINA MAE AREVALO

INDONS

JOHNNY ARCILLA

KUALA LUMPUR

LAN AHN CLUB

MAKAKAHARAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with