22nd SEA Games pormal na bubuksan
December 5, 2003 | 12:00am
HANOI -- Dalawamput-walong taon na ng matapos ang giyera, at ngayon muling sisiklab ang panibagong giyera sa pormal na pagbubukas ng 22nd Southeast Asian Games sa National Stadium.
Tampok sa opening ceremonies na iho-host ng Vietnam sa kauna-una-hang pagkakataon, ay ang 4,000 Vietnamese singers at dancers sa ganap na alas-6 ng gabi (alas-7:00 sa Manila).
Mula sa kabuuang 625 kataong Philippine delegation, 300 na atle-tang Pinoy at officials ang sasali sa parade dito sa Hanoi habang ang iba naman ay sa Ho Chi Minh kung saan may sarili ding opening ceremonies.
Inaasahang sasama sa parada si First Gentleman Mike Arroyo na du-mating kahapon, na pupuwesto sa likuran ng flag bearer na si Eduardo Buenavista at Chef de Mission Julian Camacho.
Mahigit 3,735 atleta na lalaban sa 32 events sa lungsod ng Hanoi, Ho Chi Minh at Haisung.
Mismong si Vietnamese Prime Minister Phan Van Khai ang magdedeklara sa pagbubukas ng SEA Games.
Ang iba pang bansang kalahok ay ang Brunei Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam at ang East Timor na bagong miyembro.
Mula sa 32 events na paglalabanan at nakatayang 442 gold medals, sisikapin ng Pambansang delegasyon na mapaangat ang 4th overall finish na may 31 golds, 65 silvers at 67 bronze na hinakot mula sa 28 events. (Ulat ni DMV)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended