^

PSN Palaro

Tropang Alab puntirya ang main draw sa HOK

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang lumahok ang TNT Tropang Alab sa Philippine qualifiers ng Honor of Kings (HOK) Invitational Season 3 sa Disyembre 20 hanggang 22 para makakuha ng isa sa tatlong slots sa main draw sa 2025.

Pamumunuan ni Filipino esports veteran Carlito “Ribo” Ribo ang Tropang Alab, makakasama niya sina Bang Bang (ML) (In-Game Name: Ribo); Clash Laner Carl Jioseppe Lacsam (IGN: Calm); Jungler Mark Clinton Pelayo (IGN: Fate); Farm Laner John Christian (IGN: Jaycee); Roamers Ronnel Tan (IGN: Stronger) at Charles R­ichard Orlain (IGN: Yato); at team coach Jemvic Pingol (IGN: Mori).

Malaking tulong sa koponan ang experience ni Ribo na marami na rin nakuhang kampeonato at medalya tulad sa Southeast Asian Games (SEAG) na nakapag-uwi ng ginto, isa rin siyang M2 World Champ sa Mobile Le­gends, Finals MVP (MPL Season 1) at nakakuha ng dalawang MPL trophies (Season 1 at Season 6).

Samantala, mula sa grassroots amateur tournament, opisyal ng inihayag ng TNT ang kanilang pro team na Tropang Alab, sa katunayan ay kabilang sila sa koponan na markado sa Honor of Kings (HOK).

Kuminang ang Tropang Alab sa HOK tournament, nang manalo sila sa Rumble Royale (September 2024), Kings Ordeal Southeast Asia (October 2024), Blacklist Initiation (November 2024), at realme Regional Wars South Luzon (November 2024).

Ilalarga ang main draw ng HOK sa first quarter ng 2025 na gaganapin sa Pilipinas.

HONOR OF KINGS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with