^

PSN Palaro

2 bronze kuha ng RP

-
HANOI -- Nakapagsubi na rin sa wakas ang Philippines ng medalya sa kasalukuyang 22nd Southeast Asian Games kahapon sa tulong ng archer na si Florante Matan at ng men’s gymnastics team na nagsubi ng dalawang bronze medal.

Tila kuminang na parang ginto ang bronze medal ni Matan sa National Sports Training Center habang kumolekta naman ng 200.45 puntos ang gymnastics team para magtapos bilang third sa likuran ng Thai-land (210.62) at silver medalists Malaysia (200.50).

Pinangunahan nina Ruel Ramirez at Brydon Sy ang mga Pinoy sa kanilang 9.4 at 9.3 puntos ayon sa pagkakasunod. Nakarating din sina Ruel Ramirez at Sy sa individual finals.

Ang iba pang miyembro ng RP team, ay sina Rico, Al at Ronel Ramirez at Neil Faustino.

Sa water polo, nalimitahan naman ang mga Pinoy sa 12-12 draw ng Indonesia ngunit nananatili pa rin silang may tsansa sa gintong medalya.

Makakalaban nila ang Thailand, runner-up sa 2001 SEA Games sa alas-9:00 ng umaga ngayon at kung sila’y mananalo ay nakakasiguro na sila ng silver medal.

Sa football, naitabla naman ng RP women’s team ang kanilang laban kontra sa Indonesia sa 1-1 para sa kanilang ikalawang sunod na draw.

BRYDON SY

FLORANTE MATAN

MAKAKALABAN

MATAN

NATIONAL SPORTS TRAINING CENTER

NEIL FAUSTINO

PINOY

RONEL RAMIREZ

RUEL RAMIREZ

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with