BILOG ANGOLA
November 30, 2003 | 12:00am
Marami tayong dapat matutunan mula sa Olympic team ng Angola, lalo nat sinasabi nating mahilig tayo sa basketbol. Isa silang halimbawa ng magagawa ng sipag, tiyaga, at sinserong pagnanais na humusay sa isang bagay.
Kung tutuusin, maliliit ang mga Angolan, subalit napapan-sin na sila sa international competition. Sa Sydney Olympics, nagtapos sila sa panlabindalawang puwesto. Sa huling World Championships, umakyat sila sa ika-11. Sa Athens Olympics, balak nilang umabot sa top ten.
"Ibinagay namin ang mga technique na napag-aralan namin sa katawan namin," paliwanag ni Angola Basketball Federation secretary-general Raul Duarte. "At lumikha kami ng isang mabilis na estilo ng basketbol."
Kahanga-hanga ang sipag na pinapakita ng mga Angolan. At bagamat bata pa ang ilang miyembro ng koponan, maaa-ninag na malalim ang kanilang kaalaman sa basketbol. Isipin na lang natin na tinalo na nila ang lahat ng bansa sa Africa at Asya (pati China). At sinasabi nilang maliit sila.
Bagamat mahirap lang na bansa ang Angola, alam nilang hindi nila makukuha ang lubos na suporta ng pamahalaan. Kaya ang mga biyahe nila ay sinasagot ng kanilang mga isponsor, na lubusang nakikinabang naman tuwing nagwa-wagi sila sa mga palaro. Pitong ulit na silang kampeon sa Africa.
Huwag kayong magulat kung abutin na nila ang tulad ng Australya at China sa Olympics. Kung suwertehin sa grupo nila, baka makapasok na nga sila sa top ten.
Sana, magaya natin ang mga ginagawa nilang tama.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended