Lhuillier kumapit sa liderato

Nagposte ang M. Lhuillier Kwarta Padala-Cebu ng dalawang panalo noong Biyernes at Sabado upang palakasin ang kanilang kapit sa solong liderato ng 2003 Panasonic-National Basketball League Regional Cup tournament.

Winalis ng Cebuano Jewellers ang Spring Cooking Oil-San Pablo 7 Lakers, 91-85 sa Florante Aquino Stadium noong Biyernes.

At kinabukasan, dinomina naman ng Cebuanos ang Restolax/Mail & More MayniLA, 75-73 sa University of Manila gym.

Magsisimula ang elimination ngayon sa Aquino Stadium sa San Pablo kung saan haharapin ng 7 Lakers ang MayniLA sa alas-4 ng hapon at sasagupain ng Ilocos Sur Snipers ang Pampanga Raging Bulls sa alas-6 ng gabi.

Show comments