^

PSN Palaro

Buhain optimistiko sa kakayahan ng mga swimmer

-
Optimistiko si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Eric Buhain sa swimming team na makapag-aambag ng medalyang ginto sa nalalapit na 22nd Southeast Asian Games sa Vietnam sa Disyembre 5-13.

At naniniwala ang dating national tanker na ito na ang taon para kuminang ang mga batang swimmers sa SEA Games.

"These athletes, si Miguel Molina, Miguel Mendoza, Jenny Guerrero, they’re excellent swimmers," pahayag ni Buhain sa ilang miyembro ng national team na sasabak sa Vietnam SEA Games sa Disyembre 5-13. "This year will be a big year for our swimmers."

Matatandaan na sa nakalipas na dalawang edisyon ng biennial meet, nabigong makakuha ang RP tankers ng ginto noong 1999 Brunie Darussalam meet at sa Kuala Lumpur, Malaysia noong 2001.

"I saw what they’re capable of last year in the Asian Games in Busan. They did well. They have improved a lot. And now, this is the year for Philippine swimming to comeback," wika ni Buhain.

Bukod kina Molina, Mendoza at Guerrero, ang iba pang beterano ng RP squad na lalaban sa Vietnam ay sina Carlo Piccio, Liza Danila, Timmy Chua at Mark Kalaw.

Nasa grupo rin sina Evan Grabador, Louie Marquez, Lucia Dacanay, Marichi Gandionco, Heidi Gem Ong, Lambert Guiriba at Jacky Pangilinan.

Kinuwestiyon kamakailan ng mga magulang ni Benjie Uy ang pagkakalaglag ng La Salle tanker sa tropa bunga ng pulitika.

"I just hope that the leaders in the swimming community should unite, iwasan na nila ang pulitika sa sports," ani Buhain.

vuukle comment

ASIAN GAMES

BENJIE UY

BRUNIE DARUSSALAM

BUHAIN

CARLO PICCIO

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

DISYEMBRE

EVAN GRABADOR

HEIDI GEM ONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with