^

PSN Palaro

Semis target ng Sta. Lucia at San Miguel Beer

-
Tangka ng Sta. Lucia at San Miguel na maiselyo ang semifinal showdown ngayon sa pagpapatuloy ng kanilang magkahiwalay na quarterfinal series sa PBA Samsung Reinforced Conference.

Sa magkahiwalay na Game-Two ng best-of-three serye na gaganapin sa Araneta Coliseum, makakaharap ng San Miguel ang FedEx sa alas-4:00 ng hapon at ito’y susundan ng pakikipag-laban ng Sta. Lucia sa Alaska sa alas-6:30 ng gabi.

Kapwa hawak ng Beermen at Realtors ang 1-0 bentahe sa serye at ang kanilang tagumpay sa magkahiwalay na laro ngayon ang magsasaayos ng kanilang best-of-five semifinal showdown para sa Group A.

Sinamantala ng Sta. Lucia ang kapaguran at ang pagkawala ni Ali Peek upang pasadsarin ang Alaska sa Game-One, 88-79 habang naging inspirasyon naman ng San Miguel ang pagbisita ni coach Ron Jacobs para hugutin ang 97-92 panalo.

Naging matagumpay si Ray Tutt, ang dating import ng Red Bull na pumalit kay Damien Owens sa kanyang debut game para sa Realtors kung saan kumana ito ng 19-puntos.

Ngunit natabunan ito ng eksplosibong performance nina Dennis Espino, Marlou Aquino at Kenneth Duremdes na inaasahang muling mangyari ni Sta. Lucia coach Alfrancis Chua.

Wala pa ring katiyakan kung makakalaro na si Peek na naoperahan sa tuhod ngunit inaasahang ibayong performance ang ipapamalas nina import Isaac Fontaine katulong sina John Arigo, Brandon Lee Cablay, Don Allado at Mike Cortez para maipuwersa ang deciding game-three.

Tangka namang makabawi ng FedEx sa pangunguna ni import Terrence Shannon katulong sina Vergel Meneses, Yancy de Ocampo, Renren Ritualo at John Ferriols. (Carmela V. Ochoa)

ALFRANCIS CHUA

ALI PEEK

ARANETA COLISEUM

BRANDON LEE CABLAY

CARMELA V

DAMIEN OWENS

DENNIS ESPINO

DON ALLADO

GROUP A

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with