^

PSN Palaro

Tabla: Ginebra talo sa Coca-Cola

-
Humataw ang Coca-Cola sa ikatlong quarter at pinangalagaan nila ang kanilang naipundar na kalamangan sa ikaapa na canto para sa 85-77 panalo sa kapatid na kum-panyang Barangay Ginebra at maitabla ang kanilang quarterfinal series sa Cuneta Astrodome kagabi.

Naipuwersa ng Tigers ang deciding Game-Three, sa Miyerkules sa di pa natitiyak na venue, matapos itabla ang best-of-three series sa 1-1 panalo-talo.

Buhat sa 40-39 bentahe ng Ginebra sa half time, pinangunahan nina Poch Juinio at Johnny Abarrrientos ang malaking opensiba ng Tigers sa ikatlong canto upang kunin ang 63-52 kalam-ngan papasok sa ikaapat na canto.

Binanderahan ni Artemus McClary ang Coca-Cola sa pagkamada ng 23-puntos, 11 nito ay sa ikaapat na quarter na pumigil sa ilang pagtatangka ng Gin Kings na makabangon.

Katulong ni McClary na mayroon ding 17-rebounds ay sina Juinio at Jeffrey Cariaso na may 14 at 12-puntos ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

ARTEMUS

BARANGAY GINEBRA

BINANDERAHAN

BUHAT

COCA-COLA

CUNETA ASTRODOME

GIN KINGS

JEFFREY CARIASO

JOHNNY ABARRRIENTOS

POCH JUINIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with