GM Torre nakisosyo sa liderato
November 12, 2003 | 12:00am
Nagtabla sina fifth seed Asias first Grandmaster Eugenio "Eugene" Torre (Elo 2508) at top seed Russian Super Grandmaster Vladimir Epishin (Elo 2658) at nagsosyo sa liderato na may tig 6.0 points matapos ang seventh round ng 15 de Open van Leuven individual international chess championships sa Zaal Ons Huis playing hall sa Leuven, Belgium.
Una dito, nagwagi ang 52-years old na tubong Iloilo na si Torre kontra kay FIDE Master Stephen Berry (Elo 2325) ng Kings head chess club sa sixth round.
Habang ang 38-years-old Super GM na si Epishin ay nagkasya din sa tabla kay Ukrainian Grandmaster Mihail Golubev (Elo 2536) sa sixth round.
Samantala, tabla din ang kinalabasan nina GM Rogelio "Joey" Antonio Jr. (Elo 2522) at isa pang Ukrainian GM Alexander Goloschapov (Elo 2574) sa seventh round.
Ang 41-years-old Calapan Oriental Mindoro native na si Antonio na galing sa panalo sa round 6 kay Belgian Jeroen Claesen (Elo 2310) ng Lustige Vri chess club ay nakalikom ng 5.5 points at nakahanay sa ika-3 hanggang ika-7 puwesto kasama sina 2003 World Youth under 18 representative National Master Oliver Bar-bosa (Elo 2293), Ukrainian Grandmaster Mihail Golubev (Elo 2536) Georgian GM Giorgi Bagaturov (Elo 2424) at Belgian Nicola Grecuccio (Elo 2228) ng Vier Pionne chess club.
Sa is1ang banda, nanalo naman ang 19-years-old Taytay, Rizal resident na si Barbosa kontra kina Steven Stinis (Elo 2089) ng Humbeek chess club at Eddy Van Espen (Elo 2154) ng Desperado L chess club sa round 6 at 7 ayon sa pagkakasunod.
Nakabalik naman sa kontensiyon ang dating lider na si GM Buenaventura "Bong" Villamayor (Elo 2477) matapos magwagi kina Benjamin Tonoli (Elo 2078) ng Humbeek chess club at David Houdart (Elo 2184) ng Fontaine chess club sa magkasunod na round.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 16, 2026 - 12:00am