^

PSN Palaro

Tacadino, Madamba nanalasa sa Yakult 10 Miler

-
Kapwa dinomina nina Rodolfo Tacadino at Hazel Madamba ang 15th annual Yakult 10 Miler kahapon sa maningning na performance na nagsimula at nagwakas sa CCP Complex ground sa Pasay City.

Tinapos ng Tuguegarao-based ng Philippine Army ang 10-mile (16 kilometers) run sa 54 minuto at 48 segundo na mas maganda ng isang minuto at 28 segundo sa runner-up na si Rio dela Cruz ng Marikina City.

Samantala, bagamat galing sa dalawang buwang pamamahinga, nagawang kontrolin ni Madamba ang karera mula sa simula upang tawirin ang finish line sa tiyempong isang oras at 10 minuto at 48 segundo. Ang tubong Butuan City ay tumapos rin sa karerang ito noong nakaraang taon ng ikalawa sa likod ni Christabel Martes na hindi sumali kahapon.

Ibinulsa nina Tacadino at Madamba ang top purse na tig-P7,000 mula sa Yakult na nagdidiriwang ng kanilang ika-25th anibersaryo.

Pumangalawa kay Madamba si Sealand Agana na sa edad na 14 ay nanalo sa Laguna 42K Ma-rathon noong nakaraang Agosto at sa 10K Avia Run noong nakaraang buwan. Kanyang ginapi ng 42 segundo ang beteranang runner na si Liza Delfin.

vuukle comment

AVIA RUN

BUTUAN CITY

CHRISTABEL MARTES

HAZEL MADAMBA

LIZA DELFIN

MADAMBA

MARIKINA CITY

PASAY CITY

PHILIPPINE ARMY

RODOLFO TACADINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with