^

PSN Palaro

RP-5 lineup inihayag na

-
Opisyal na inihayag ni national assistant coach Dong Vergeire ang lineup ng men’s basketball team na isasalang sa Southeast Asian Games sa Vietnam sa Disyembre 5-13 nang dumalo ito sa PSA Forum kahapon.

Ang koponan ay binubuo ng mga mahuhusay na manlalaro mula sa collegiate leagues tulad ng UAAP, NCAA at UCAA na sina Celino Cruz, Dennis Madrid, Paul Artadi, James Yap, Willie Wilson, Richard Melencio, Gary David, Rich Alvarez, Ranidel de Ocampo, Irvin Sotto, Ricky Calimag, Mark Pingris, Wesley Gonzales at Allan Salansang, ang huling dalawa ay pawang mga alternates.

Kumpiyansa pa rin ang coaching staff na mapapanatili ng Pinas ang korona sa SEAG basketball bagamat nabahiran ng kontrobersiya ang liderato ng Basketball Association of the Philippines.

Samantala, ang pinakamahuhusay na off-roaders sa bansa ay ma-kikipatagisan ng husay sa pagtatanghal ng ikaapat at huling yugto ng 2003 Delo Sports 4x4 National Extreme Series.

Naging panauhin din sa PSA forum na itinataguyod ng Red Bull, Agfa Color at Pagcor sina Nas Onas ng Land Cruiser Club of the Philippines, Dexter Tang ng National Association of Filipino Off-Roaders at series organizer Sonee Pili.

AGFA COLOR

ALLAN SALANSANG

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CELINO CRUZ

DELO SPORTS

DENNIS MADRID

DEXTER TANG

DONG VERGEIRE

GARY DAVID

IRVIN SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with