^

PSN Palaro

Pinoy boxers nanalasa

-
HYDERABAD, India -- Ang pag-ani ng apat na gintong medalya ay magandang ideya at handa itong tuparin ng RP boxers para sa glory at recognition sa first Afro-Asian Games dito.

Nakumpleto ni bantamweight Ferdie Gamo ang pananalasa ng Pinoy fighters sa quarterfinal round makaraang itala ang 2-1 panalo laban kay Malik Bouyiane para sa siguradong bronze.

Kailangan ding maghintay ni Gamo ng isa pang araw para sa kanyang pag-asinta sa gold medal kasama ang troika nina Harry Tanamor, Violito Payla at Roel Laguna na nakatakdang sumampa sa ring at umasang aabante sa championship round.

Haharapin ni Gamo si Bahodirjon Sooltonov ng Uzbekistan, ang bronze medalist sa katatapos na World Championships sa Thailand.

Makakalaban naman ng 25-year-old na si Tanamor, silver medalist sa Busan Asiad ang Kazakh bet na si Serik Sikymbayev sa semis ng lightflyweight division.

Sa tennis, isang kapanapanabik na 6-1, 6-7, 7-5 tagumpay ang itinala ni Czarina Mae Arevalo kontra kay Septi Yutami ng Indonesia para maka-usad sa semifinal round ng ladies singles at isiguro ang bansa ng isa pang bronze medal.

Nanaig din si Johnny Arcilla laban naman kay Rohan de Silva ng Sri Lanka, 7-5, 6-4, sa men’s singles na tumabon sa 6-1, 4-6, 7-6 kabiguan ni Joseph Victorino kay Sanday Maku ng Nigeria.

AFRO-ASIAN GAMES

BAHODIRJON SOOLTONOV

BUSAN ASIAD

CZARINA MAE AREVALO

FERDIE GAMO

GAMO

HARRY TANAMOR

JOHNNY ARCILLA

JOSEPH VICTORINO

MALIK BOUYIANE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with