^

PSN Palaro

Pinoy chesser namuno sa 2003 World Youth Chess Champion

-
Pinamunuan ng rookie na si Wesley So ang team Philippines matapos ang round 5 sa patuloy na idinadaos na 2003 World Youth Chess Championships kahapon sa Halkidiki, Greece.

Ang 10-year old Shell Active Chess Kiddy grand champion na si So ay matagumpay na isinulong ang itim na piyesa para pigilin si Canadian Kevin Gibson at itala ang 3.5 puntos matapos ang limang laro sa boy's 10 and under division.

Si So ang may pinakamataas na puntos sa 10- kataong ipinadala sa torneong ito na sinuportahan ng First Gentleman Mike Arroyo Foundation, Timelife book president Mr. Hector Tagaysay, NCFP at PSC.

Hindi rin nagpahuli sina Cindy Atayde (girl's 14) at Cheyzer Mendoza (girl's 12) matapos nilang pisakin sina Elsa Thornfinnsdottir ng Israel at D. Barbageor Gopoolov ng Greece sa kani-kanilang division.

Subalit kung ano ang tinamasang kasiyahan ng tatlong woodpushers ay taliwas naman ang naganap kina Julius Joseph De Ramos (boy's 16), Arianne Aguja (girl's 18), Sherilly Cua (girl's 16), Karl Victor Ochoa (boy's 14-2), at Jan Jodilyn Fronda (girl's 10).

vuukle comment

ARIANNE AGUJA

BARBAGEOR GOPOOLOV

CANADIAN KEVIN GIBSON

CHEYZER MENDOZA

CINDY ATAYDE

ELSA THORNFINNSDOTTIR

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO FOUNDATION

JAN JODILYN FRONDA

JULIUS JOSEPH DE RAMOS

KARL VICTOR OCHOA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with