^

PSN Palaro

Matamlay na RP Youth chessers binuhay ng panalo ni Aguja

-
Isinalba ni Arianne Aguja ang matamlay na kampanya ng RP Youth woodpushers nang ihatid nito ang tanging tagumpay ng bansa sa 2003 World Youth Chess Championships sa Halkidiki, Greece kahapon.

Tinalo ni Aguja si Youmma Makhlouf ng Bahrain para sa kanyang kauna-unahang panalo sa girl’s 18-under na nag-angat ng kanyang record sa 1.5 puntos.

Nalasap ni boy’s 16-and-under representative Julius Joseph de Ramos ang unang pagkabigo kay FIDE Master Luka Lenic (ELO 2352) para mapako sa 3.0 puntos.

Natalo din sina NM Oliver Barbosa (boy’s 18); Sherily Cua (girl’s 16); Cindy Atayde (girl’s 14), Cheyzer Mendoza (girl’s 12), Wesley So (boy’s10) sa kanilang laban.

Pisak si NM Barbosa kay FM Aaron Pixton (ELO 2445) ng USA, talo si Cua kay N.Vinuthna (ELO 2100) ng India, dapa si Atayde kay Paulina Carreras (ELO 1958) ng Mexico, talo si Mendoza kay Joanna Kasperek ng Poland at yuko din si So kay Nikos Galopoulos ng Poland.

Tumabla naman si Nelson Mariano III (boy’s 14) kay Nidjat Agayev (ELO 2203) ng Azerbaijan, gayundin din si Karl Victor Ochoa kay Mustafa Yilmaz (ELO 1964) ng Turkey, hati din ng puntos si Jan Jodilyn Fronda (girl’s 10) kay Nazi Paikidze ng Georgia.

" It's not our day," sabi ni NCFP secretary-general Atty. Samuel Estimo sa nangyaring resulta sa 10-youth chessers kahapon.

AARON PIXTON

ARIANNE AGUJA

CHEYZER MENDOZA

CINDY ATAYDE

JAN JODILYN FRONDA

JOANNA KASPEREK

JULIUS JOSEPH

KARL VICTOR OCHOA

KAY

MASTER LUKA LENIC

MUSTAFA YILMAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with