Ritualo napiling PBA Player of the Week
October 28, 2003 | 12:00am
Ang pagdedeliver mula sa bench ay hindi na bago para kay Renren Ritualo.
Ngunit kung gagawin niya ito habang nasa bingit na ng kapahama-kan ang kanyang koponan ay hindi na ordinaryo.
Kaya naman napili ang FedEx shooting guard na si Ritualo bilang PBA Player of the Week.
Si Ritualo ang nagpamalas ng magandang laro sa mga FedEx locals nang humataw ito sa kanilang laban kontra sa Sta. Lucia para sa impre-sibong 109-85 pananalasa na nagbigay ng buhay sa Express sa kanilang kampanyang makausad sa Group A quarterfinals ng PBA Samsung Reinforced Conference.
Ang dating La Salle standout ay pumukol ng tatlong tres para sa kan-yang kabuuang 17-puntos bukod pa sa tatlong rebounds, dalawang assists at dalawang steals sa 23 minutong paglalaro.
Dalawang araw bago ito, kahanga-hangang performance din ang ipinamalas ni Ritualo ngunit nalusutan lamang sila ng Purefoods sa dakong huli sanhi ng kanilang 84-90 pagkatalo.
Si Ritualo ay gumawa ng 18-puntos kabilang ang tatlong tres sa naturang laro.
Dahil kay Ritualo, lumaki ang tsansa ng Fed-Ex na makasulong sa su-sunod na round makaraang malagay sa alanganin ang kanilang kampanya sanhi ng sunud-sunod na kabiguan.
Lalo pang nakahinga ng maluwag ang Express dahil sa mga resulta ng laro noong nakaraang linggo kung saan natalo ang Alaska at Purefoods.
Sisikapin ng Express na makuha ang awtomatikong quarterfinals slot sa pamamagitan ng kanilang tagumpay kontra sa Alaska bukas sa PhilSports Arena.
Ngunit kung matatalo ang Purefoods sa kanilang huling laban sa Shell, malilibre na papasok sa quarterfinals ang FedEx at Aces ano pa man ang magiging resulta ng kanilang labanan.
Ang Sta. Lucia at San Miguel ay nakakasiguro na sa susunod na round dahil sa kanilang magandang record.
Gayunpaman, higit na mas paboritong manalo ang FedEx dahil parali-sado ang line-up ng Alas-ka sa pagkaka-injured nina Ali Peek, EJ Feihl, Don Allado at Brandon Cablay.
At isa pay mainit na mainit ngayon si Ritualo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended