Wala pa ring talo si De Ramos
October 27, 2003 | 12:00am
Patuloy ang pananalasa ng bagitong si Julius Joseph De Ramos matapos itarak ang ikatlong dikit na panalo sa 2003 World Youth Chess Championships sa Halkidiki, Greece.
Tangan ang itim na piyesa, dinurog ng 16-anyos na si De Ramos si Russian Pavel Ponkratov (ELO 2360) sa third round ng boy's 16 and under para makalaban sa fourth round si Luka Lenic (ELO 2352) ng Slovenia.
Ang mga naunang pa-nalo ng pambato ng Letran high school team na si De Ramos ay laban kina Ilia Kakuszhadze ng Georgia at Egyptian bet Ahmed Adly (ELO 2448) sa una at ikalawang round ayon sa pagkakasunod.
Dalawa pang pambato ng bansa ang may malinis na kartada na may tig-2 wins, 1 draw na may total 2.5 points. Ito'y sina Wesley So (boys 10 and under) at Jan Jodilyn Fronda (girls 10 and under).
Si So na Grade-4 pupil ng Good Sheperd School sa Imus Cavite ay nagwagi sa itim na piyesa kay Tim Pipan ng Slovenia habang si Fronda ay nanalo laban kay Anna Endress ng Germany tangan ang puting piyesa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended