^

PSN Palaro

Cantrell nagbida sa Phone Pals

-
Pumukol ng game-winning triple si import Damien Cantrell upang ihatid ang Talk N Text sa 94-91 panalo kontra sa FedEx Express kagabi sa Samsung PBA Rein-forced Conference para sa magandang debut ni Virgil Villavicencio sa PhilSports Arena.

Binasag ni Cantrell ang pagtatabla ng iskor sa 91-all nang pakawalan nito ang triple para sa final score, 12.8 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Sinikap isalba ni Vergel Meneses ang FedEx nang magtangka ito ng tres sa huling posesyon ng Express ngunit pumaltos ito.

Agad namang nakuha ni Jimmy Alapag ang rebound upang maipre-serba ang panalo ng Phone Pals.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Talk N Text na nag-angat sa kanila sa 2-1 record sa Group B, habang bumagsak naman ang FedEx sa 1-2 panalo-talo sa Group A.

Naantala ang laro ng 18 minuto dahil sa power interruption sa venue.

Natapos ang first game na walang aircon sa venue bago nagbalik ang power supply sa arena.

Isang 9-1 run ang pinagbidahan ni Yancy de Ocampo na umiskor ng anim na puntos upang iangat ang FedEx sa 88-85 ngunit sa tulong ni Cantrell na nagbida sa 6-0 run nakuha ng Phone Pals ang 91-89 trangko bago tumuntong sa huling dalawang minuto ng laro.

Umiskor naman si FedEx import Terrence Shannon ng basket upang itabla ang iskor sa 91-all,1:17 pa ang nasa orasan.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasulukuyang naglalaban ang Ginebra at Red Bull sa main game.

CANTRELL

DAMIEN CANTRELL

GROUP A

GROUP B

JIMMY ALAPAG

PHONE PALS

RED BULL

TALK N TEXT

TERRENCE SHANNON

VERGEL MENESES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with