^

PSN Palaro

De La Salle-Araneta U silat sa MMC

-
Matatag na paglalaro sa krusyal na sandali ang ginamit ng Metro Manila College na pananggalang sa tangkang pagsilat sa kanila ng De La Salle-Araneta University at upang maitakas ang 81-73 panalo kahapon sa 9th CUSA season basketball tournament sa Pasay City Sports Complex.

Buong larong hinawakan ng Bisons ang trangko subalit kinailangan muna nilang lusutan ang matinding pag-atakeng inilunsad ng Green Archers sa huling dalawang yugto bago nila nakuha ang kanilang ikalawang tagumpay sa limang pagsalang sa season na ito.

Umiskor si Dennis Garnace ng 24 puntos para muling pangunahan ang MMC, na umakyat sa ika-7 pwesto at nabuhay ang pag-asang makapasok sa kasunod na yugto ng kompetisyon. Siya ay sinu-portahan ni John Manosca na may 15 puntos.

Si Danilo Mateo naman ang siya pa ring namuno sa DLS-AU sa kanyang itinalang 17 puntos, subalit hindi pa rin ito sapat para maangkin ang mailap na panalo, na di pa rin nila nakakamit matapos ang 5 asignatura.

Samantala, tuloy pa rin ang aksyon ngayong araw sa torneong ito at 6 na umaatikabong sultada ang nakatakdang sumambulat.

Haharapin ng namamayagpag na Philippine College of Criminology ang De Ocampo Memorial College sa ganap na ika-8 ng umaga, na susundan ng pagtitipan ng St. Jude College at Central Colleges of the Philippines, at ng pagtatapat ng defending champion Las Pinas College kontra Technological Institute of the Philippines sa seniors division.

Sa Women’s, magsasalpukan ang PCCr at Trinity College of Quezon City habang magtatagpo rin ang TIP at DLS-AU, at kakalabanin ng defending titlist PMI ang CCP. (Ulat ni Ian Brion)

CENTRAL COLLEGES OF THE PHILIPPINES

DE LA SALLE-ARANETA UNIVERSITY

DE OCAMPO MEMORIAL COLLEGE

DENNIS GARNACE

GREEN ARCHERS

IAN BRION

JOHN MANOSCA

LAS PINAS COLLEGE

METRO MANILA COLLEGE

PASAY CITY SPORTS COMPLEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with