Alaska panis sa Coke
September 8, 2003 | 12:00am
Binawian ng Coca-Cola Tigers ang Alaska Aces, ang tumalo sa kanila para sa nakaraang Invitational Championships title, sa pamamagitan ng eksplosibong 103-82 pananalasa sa kanilang rematch kagabi sa Samsung PBA Reinforced Conference sa pagbabablik aksiyon sa Araneta Coliseum.
Pinangunahan ni import Tim McClary ang pagdomina ng Coca-Cola sa laro sa paghakot ng 30 puntos bukod pa sa 15 rebounds at limang assists para sa ikalawang sunod na panalo ng Tigers sa Group B.
Maagang umatake ang Tigers nang kanilang pakawalan ang 20-4 salvo buhat sa 8-4 kalamangan ng Alaska sa kaagahan ng laro at kunin ang 12 puntos na bentahe, 24-12 bago matapos ang unang quarter.
Nasapawan ng husto si Alaska import Chris Carrawell na tumapos lamang ng may 17 puntos at 7 rebounds na siyang dahilan upang malasap ng Aces ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan sa Group A.
Matapos kunin ng Tigers ang trangko, hindi nagkaroon ng banta sa kanilang pagkontrol sa laro kung saan umabante ang mga ito ng hanggang 29 puntos.
Umiskor si Reynel Hugnatan ng basket sa pagbubukas ng final canto para iposte ang pinakamalaking abante ng Coca-Cola, 87-58.
Si Hugnatan ay pumangalawa kay Mc-Clary sa produksiyon sa kanyang naitalang 12 puntos habang nag-ambag naman si Rafi Reavis ng 10 puntos.
Gumawa pa rin ng paraan ang Alaska para makaahon sa kanilang pagkakabaon sa pamamagitan ng 17-4 run upang bahagyang makalapit sa 75-91 patungo sa huling 4:37 minuto ng labanan.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Sta. Lucia at Shell bilang main game kagabi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am