Taglay ang maningning na 8-2 record na siyang dahilan ng kanilang pangungunyapit sa solong liderato, ipopormalisa ngayong alas-4 ng hapon ng Tamaraws, na huling nagkampeon noong 1997 ang kanilang pag-okupa sa unang semis slot sa nakatakdang pakikipagtipan sa Warriors.
Ngunit siguradong gagawa ang Red Warriors na nag-iingat naman ng 6-3 kartada ng intensibong performance upang idiskaril ang misyon ng Tamaraws upang pagandahin ang kanilang kampanya na manatiling nasa kontensiyon.
Gagawing tulay ng UE ang kanilang 68-61 panalo kontra sa University of the Philippines noong nakaraang linggo na inaasahang sasandig uli sa sweet-shooting na si James Yap, katulong sina Paul Artadi at Ollan Omiping.
Nauna rito, haharapin ng UST ang Adamson sa ala-1:30 ng hapon matapos ang sagupaan sa pagitan ng kanilang junior counterparts sa alas-11 ng tanghali. (Ulat ni MREPIZO)