^

PSN Palaro

Semis asamng FEU Tamaraws

-
Awtomatikong slot sa semifinals ang nais na iguhit ngayon ng Far Eastern U sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban sa University of the East sa pagpapatuloy ng 66th UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Taglay ang maningning na 8-2 record na siyang dahilan ng kanilang pangungunyapit sa solong liderato, ipopormalisa ngayong alas-4 ng hapon ng Tamaraws, na huling nagkampeon noong 1997 ang kanilang pag-okupa sa unang semis slot sa nakatakdang pakikipagtipan sa Warriors.

Ngunit siguradong gagawa ang Red Warriors na nag-iingat naman ng 6-3 kartada ng intensibong performance upang idiskaril ang misyon ng Tamaraws upang pagandahin ang kanilang kampanya na manatiling nasa kontensiyon.

Gagawing tulay ng UE ang kanilang 68-61 panalo kontra sa University of the Philippines noong nakaraang linggo na inaasahang sasandig uli sa sweet-shooting na si James Yap, katulong sina Paul Artadi at Ollan Omiping.

Nauna rito, haharapin ng UST ang Adamson sa ala-1:30 ng hapon matapos ang sagupaan sa pagitan ng kanilang junior counterparts sa alas-11 ng tanghali. (Ulat ni MREPIZO)

vuukle comment

ADAMSON

ARANETA COLISEUM

FAR EASTERN U

JAMES YAP

OLLAN OMIPING

PAUL ARTADI

RED WARRIORS

TAMARAWS

UNIVERSITY OF THE EAST

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with