Reyes, Bustamante pa-Holland
August 27, 2003 | 12:00am
Handa na sina Efren Bata Reyes at Francisco Django Bustamante na ipagpatuloy ang kanilang magandang kapalaran sa paghakot ng troeo at dolyares sa kanilang pagtungo ngayon sa Holland para lumahok sa World Pool Masters.
Aalis ngayon ang dalawang pinakamahusay na Pinoy cue artists para sa tatlong araw na tumbukan ng 16 na mahuhusay na billiard players sa 10 bansa.
Muling makikipagtagisan ng galing sina Reyes at Bustamante sa mga palagian din nilang kalaban na sina reigning world champion (Cardiff) Thorsten Hohmann, Ralf Souquet, Germany; Earl Strickland, USA; Alex Pagulayan, Canada; Steve Davis, England; Mika Immonen, Finland; Hui-Kai Hsia, Taiwan; Niclas Bergendorf, Tom Storm, Sweden; Tony Drago, Malta; Niels Feijen, Alex Lely, Rico Diks, at Nick Van Den Berg, Netherlands.
Apat sa kanila ay pawang mga dating World masters champions ito ay sina Souquet (1994, 1996, 2000, 2002), Bustamante (1998, 2001), Strickland (1997) at Lely (1999).
Kapwa paborito ang mga Pinoy cue masters na sina Reyes at Bustamante sa torneong ito makaraang matagumpay nilang kampanya sa Amerika. Si Bustamante ay nagwagi ng $50,000 International Challenge of Champions sa Connecticut habang si naman ay kakampeon lamang sa Gabriels Las Vegas Open makalipas ang isang linggo. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended