^

PSN Palaro

Pangarap na laban ni Pacquiao,matutuloy din

-
"A dream come true."

Ito ang unang reaksiyon makaraang mabatid ng kasalukuyang IBF junior featherweight champion na si Manny Pacquiao na tuloy na ang kanyang pakikipagsagupa sa People’s Champion, featherweight na si Marco Antonio Barrera sa November 15.

Kapwa ibig nina Pacquiao at Barrera na magkaharap sa isa’t isa, habang sa parte naman ng HBO na ito ang pinakamalaking laban ng dekada sa pagitan ng dalawang matikas na fighters na kapwa may pamatay na suntok.

Marami ang indikasyon na ang nasabing laban ay maaaring ganapin sa San Antonio, Texas at ito ay katatampukan ng 12 rounds.

"This has fight of the year written all over it," ani ng kilalang kulumnistang si Dan Rafael ng USA Today, ilang saglit matapos na ihayag ang nasabing laban sa CBS Sportsline website.

Sa kasalukuyan, si Pacquiao ay sumasailalim sa isang magaang na training sa kanyang bayan sa General Santos City na ayon sa boksi-ngero, lubos ang kanyang kasiyahan dahil matutuloy na rin ang labang ito na matagal na niyang pangarap.

At ng tanungin kung ano ang kanyang tsansa kontra sa hard-hitting featherweight king, sumagot si Pacquiao ng kanya itong tatalunin upang maipakita sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na tama siya ng kanyang sabihin na malakas ang Filipino.

Kinumpirma naman ng business manager ni Pacquiao na si Rod Nazario na kababalik lang sa Manila noong Linggo ang nasabing laban na tatawaging ‘People’s Championship’.

Nakatakda namang makipagkita ang promoter na si Murad Muham-mad sa mga IBF opisyal ngayong linggo upang aprobahan ang Barrera fight kung saan nauna ng lumagda si Pacquiao na ganapin ang mandatory title defense kontra sa top-rated contender Jose Luis Valbuena sa loob ng 90-araw ng title defense laban naman sa walang talong si Emmanuel Lucero.

vuukle comment

DAN RAFAEL

EMMANUEL LUCERO

GENERAL SANTOS CITY

JOSE LUIS VALBUENA

MARCO ANTONIO BARRERA

MURAD MUHAM

PACQUIAO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ROD NAZARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with