Warriors lumakas sa Final Four
August 24, 2003 | 12:00am
Bumawi ang Univer-sity of the East sa kanilang nakaraang panalo na lalong nagpalakas ng kanilang tsansa para sa Final Four ng UAAP mens basketball tournament na ginanap sa Ateneo gym kahapon.
Ito ay bunga ng kani-lang 68-61 pamamayani kontra sa University of the Philippines matapos magpasiklab si James Yap para iangat ang kanilang record sa 6-3 win-loss slate sa likod ng leader na Far Eastern Univerity (8-1) at defending champion Ateneo de Manila University (7-2).
Nagposte si Yap ng double-double performance sa pagposte ng 22 puntos na produksiyon bukod pa sa kanyang 10 rebounds para sa East na nakabangon sa kanilang 67-76 pagkatalo laban sa Ateneo Blue Eagles.
Naging malaking kawalan para sa UP Maroons ang di paglalaro ni Kenneth Robin na nagtamo ng ACL (anterior cruciate ligament) na lalong nagbaon sa State U sa 1-8 kartada.
Sa ikalawang laro, hindi rin nagpahuli ang 2002 runner-up De La Salle University matapos gapiin ang University of Sto. Tomas, 72-66 tungo sa 7-3 kartada din ng koponan.
Pinangunahan naman ni Mark Cardona ang kampanya ng DLSU Green Archers sa naitala nitong 26 puntos, 13 rebounds at apat na assists para palugmukin ang UST Growling Tigers na lumaglag sa 3-6 kartada na lamang. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended