^

PSN Palaro

Semis winalis ng Forward Taguig

-
CEBU CITY -- Winalis ng Forward Taguig ang kanilang best-of-three semifinal series kontra Pampanga Bulls upang makopo ang unang finals seat, habang bumangon naman ang Ozamiz’s Compak Shine-way upang talunin ang Cebu’s M. Lhuillier Kwarta Padala, 76-75 at palawigin ang kanilang semis sa 2003 NBL national championship sa Cebu Coliseum dito.

Ang panalo ng Shineway ay nagdala sa sarili nilang serye ng Lhuillier sa 1-1 at napuwersa ang deciding Game Three kung saan ang mana-nalo rito ang siyang ookupa ng ikalawa at nalalabing finals slot.

Tumapos si Chris Quimpo ng 18 puntos at nagdagdag naman si Erwin Sta. Maria ng 16 puntos kung saan naglunsad ang Taguig ng 15-4 salvo sa third quarter upang igupo ang Bulls, 81-70 at umusad sa finals.

Umiskor naman sina Jerry Jaca at Milfred Sampilo ng tig-15 puntos upang trangkuhan ang Ozamiz cagers na iposte ang kanilang panalo kontra sa Cebuanos at ipuwersa ang knockout match para sa isa pang finals berth sa tourney na ito na sponsored ng Tanduay Rhum, Air Pilippines, PCSO, Panasonic, Burlington, Cebu Ferries at Supercat.

AIR PILIPPINES

CEBU COLISEUM

CEBU FERRIES

CHRIS QUIMPO

COMPAK SHINE

ERWIN STA

FORWARD TAGUIG

GAME THREE

JERRY JACA

LHUILLIER KWARTA PADALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with