^

PSN Palaro

Bustamante kampeon sa Challenge of Champions

-
Tinanghal na kampeon sa International Challenge of Champions si Francisco ‘Django’ Bustamante sa Mohegan Sun Casino sa Uncasville, Connecticut.

Umakyat sa finals si Bustamante makaraang gapiin ang English cham-pion na si Daryl Peach, 7-3 noong Miyerkules para makaharap naman ang kababayang si Efren ‘Bata’ Reyes sa semis.

Naging masuwerte si Bustamante kontra sa kumpare at kababayang si Reyes makaraang igupo ito sa 5-3, 5-1 noong Huwebes para makuha ang isang puwesto sa finals.

Sa kabilang dako, umusad naman sa finals ang kanyang nakalaban na si Canadian 9-ball champion John Horsfall nang mamayani ito kay Ralf Souquet, 7-5 at biktimahin din si Earl Strickland .

Nakipaghatian si Horsfall kay Strickland sa dalawang sets at winasak at itakas ang rack sa tie-breaker para sa tagum-pay at karapatang makalaban si Bustamante sa finals.

Napagwagian naman ni Bustamante ang unang set sa 5-3 at patungo na ito sa mas maagang tagumpay sa second set, 2-0 .

Ngunit nagrally si Horsfall at mapagwagian ang sumunod na tatlong games para sa 3-2 abante na nakuha pang nagtabla sa 4-4 sa break ni Horsfall.

Matapos ang break na-ran out ng Canadian champion ang position sa 2-ball at nagmintis sa bola na nagbigay pag-asa kay Bustamante.

Nailigtas ni Bustamante ang 2-ball at gumawa naman ng 2-4 carom si Horsfall para makuha ang rack na nagpuwersa ng one game tie breaker para sa nakalaang $50,000 premyo.

Ngunit mas mas-werte pa rin ang Pinoy makaraang makuha ang lag at ma-ran out ang rack para sa tagumpay.

BUSTAMANTE

DARYL PEACH

EARL STRICKLAND

HORSFALL

INTERNATIONAL CHALLENGE OF CHAMPIONS

JOHN HORSFALL

MOHEGAN SUN CASINO

NGUNIT

PARA

RALF SOUQUET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with