Reyes nais gumanti kay Parica sa Pechauer West Coast tour

Umaasa si Efren ‘Bata’ Reyes na makabawi mula sa kabiguan sa kababayang si Jose ‘Amang’ Parica sa final ng Pechauer West Coast tour sa kanyang kampanyang mapanatili ang titulo sa mayamang International Challenge of Champions ay isa sa apat na titulong napagwagian ni Reyes noong nakaraang taon sa kanyang matagumpay na kampanyang nagbigay sa kanya ng kabuuang $126,200 premyo.

Natalo si Reyes kay Parica sa Hollywood California nang mula sa losers’ bracket ay dinomina ni Parica ang laban sa 13-4 at mapagwagian ang titulo.

Si Reyes din ang nangunguna ngayon sa Player Money list na may naiipon ng $40,550 sa dalawang first place finish sa Mid-Atlantic 9-ball at Manila leg ng San Miguel Asian 9-ball tour.

Nakatakda ding kumampanya sina Reyes at Bustamante para sa $20,000 World Pool Masters sa Holland sa Agosto 29-31 at bago tumulak patungong US Open sa Chesapeake sa Virginia, USA.

Bukod pa sa World Pool League tilt sa Poland, kung saan si Reyes din ang defending champion ang iba pang torneong nakalinya para sa Philippine Team ay ang IBC Tokyo 9-ball International Open sa Tokyo sa Nov. 7-9, World All-Stars Taiwan tournament sa Taipei sa Nov. 13-16, at All-Japan Championship sa Osaka sa Nov. 18-24.

Show comments