^

PSN Palaro

5 pinadi-deport puwede pang maglaro sa PBA

-
Maaaring maglaro pa rin sa Philippine Basketball Association (PBA) ang limang dayuhang manlalaro na inirekomenda ng senado na isa-ilalim sa summary deportation proceedings ng Bureau of Immigration (BI) matapos matuklasan na peke ang pagiging Filipino ng mga ito.

Sinabi ni Sen. Robert Barbers, chairman ng senate committee on games, amusements and sports, dadaan pa naman sa proper summary deportation proceedings ang mga inirekomenda ng komite na sina Paul Asi Taulava ng Talk N Text, Andy Seigle ng Purefoods, Jonathan Ordonio ng Alaska, Davonn Harp ng Red Bull at Rudolf Hatfield ng Coca-Cola.

Bukod dito, wika pa ni Barbers, tatlo pang dayuhang manlalaro sa PBA na sina Dorian Peña ng San Miguel, Michael Pennisi ng Red Bull at Alex Vincent Crisano ng Ginebra ang inirekomenda naman ng komite na isailalim sa ‘further investigation’ ng Department of Justice at BI kaugnay sa kuwestiyonableng pagiging Filipino.

Ayon pa sa mambabatas, ang 5 dayuhang cagers ay nabigong patu-nayan sa komite na mayroon silang dugong Pinoy batay na rin sa isinagawang imbestigasyon ng kanyang team na nagtungo sa iba’t ibang lalawigan na umano’y pinanggalingan ng mga ninuno nito.

ALEX VINCENT CRISANO

ANDY SEIGLE

BUREAU OF IMMIGRATION

DAVONN HARP

DEPARTMENT OF JUSTICE

DORIAN PE

JONATHAN ORDONIO

MICHAEL PENNISI

PAUL ASI TAULAVA

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with