^

PSN Palaro

Hotdogs ubos sa TnT juniors

-
Binuksan ng Talk N Text Juniors ang kanilang kampanya para sa ikalawang sunod na titulo nang ubusin nila ang Purefoods TJ Hot-dogs, 82-66, sa panimula ng 2nd Bert Lina Cup Six Footers basket-ball league sa Cebu Coliseum.

Halos hindi nagkamali sa kabuuan ng laro ang Junior Phone Pals nang sa simula pa lang ay ipinadama ang lakas sa pamamagitan ng mga fastbreaks at mahusay na halfcourt game upang umabante ng hanggang 53-37 tungo sa isang impresibong panalo.

Umaasa ang Cebuano Junior Phone Pals na maduduplika nila ang kanilang titulong nakuha kontra sa mga kalabang taga-Luzon sa isang linggong cagefest para sa mga players na may edad 18 anyos pababa at may taas na six-feet pataas at itinataguyod ng Air21 at Smart kasama ang Mail & More bilang minor backer.

Sa iba pang laro, pinamunuan naman ni Cebu Schools Athletic Foundation Inc. 2002 season Rookie of the Year Jayford Rodriguez ang John-O para igupo ang Samsung 101-71 habang binugbog ng Youth For Roco ang Timex, 97-69.

Umiskor ng 41 pun-tos si Rodriguez habang nag-ambag naman si Eulogio Lasala Jr. at Alexander Regis Jr. ng 17 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa University of Visayas-John O team na guma-mit ng 29-13 run para durugin ang Samsung.

Samantala, nagtu-lung-tulong naman sina Miguel Angelo Pacheco, Jori Dale Perez, Alfredo Gerilla Jr. at Joseph sa balanseng opensa at mahusay na depensa para daigin ng Youth 4 Roco ang Timex.

ALEXANDER REGIS JR.

ALFREDO GERILLA JR.

BERT LINA CUP SIX FOOTERS

CEBU COLISEUM

CEBU SCHOOLS ATHLETIC FOUNDATION INC

CEBUANO JUNIOR PHONE PALS

EULOGIO LASALA JR.

JORI DALE PEREZ

JUNIOR PHONE PALS

MIGUEL ANGELO PACHECO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with