PBA aalis na sa Ultra
July 21, 2003 | 12:00am
Hindi na mapipigilan pa ang PBA sa pag-alis sa Ultra.
Itoy matapos tumalbog ang tseke ng Beam Toothpaste bilang kabayaran sa kanilang advertisement na nakasalpak sa playing venue ng PhilSports.
Matagal nang balak ng PBA na bumalik sa Cuneta Astrodome dahil sa iringan ng Philippine Sports Commission at PBA ukol sa back-door advertisement.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos ang magkabilang panig ukol sa naturang isyu kaya matagal nang di naglalaro ang PBA sa PhilSports.
Bagamat ginanap ang finals ng nakaraang All Filipino Cup, hindi na rin naglalaro ang PBA sa Araneta Coliseum lalo pat tumalbog ang tseke ng Beam na mayroon ding advertisement sa playing area ng Big Dome.
Samantala, nanalo naman ang Sta, Lucia kontra sa Purefoods, 80-72 sa kanilang non bearing game sa PBA-Samsung Mabuhay Cup sa Cuneta Astrodome kahapon.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Alaska at Ginebra na nag-aagawan para sa huling slot ng 2nd Conference Asian Invitationals.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended