^

PSN Palaro

Pinoy cue artists di mapigil

-
Walong Pinoy cue masters ng pinaghalong kabataan at beterano ay lumapit sa round of 64 sa World Pool Championship sa Cardiff, Wales.

Nanatiling malinis si 1999 world champion Efren ‘Bata’ Reyes at ang batang snooker ace na si Marlon Manalo na wala pang talo patungo sa final day ng group matches na tinaguriang ‘araw ng paghatol’ sa karamihan.

Tinalo ni Reyes si Radoslaw ‘The Eagle’ Babica, 5-3 sa harap ng nag-bubunying manonood sa center TV table para manguna sa Group 4.

Ngunit si Manalo, first timer sa Cardiff Games, ang higit na kumuha ng atensiyon nang pabagsakin niya ang Atlantic Canadian 9-ball at snooker champion na si Jeff Kennedy, 5-4 bago biniktima si Alan Rolon ng Puerto Rico, 5-0.

Gumawa ng pangalan si Manalo nang daigin nito si world no. 1 Mika Immonen sa isang klasikong 5-4 tagumpay.

Hindi naman naging masuwerte si 2002 runner-up Francisco ‘Django’ Bustamante na makaraang igupo si Po Chengu Kuo ng Chinese-Taipei, 5-3 ay yumuko naman sa 8-time Russian champion na si Evgeny Stalev, 1-5.

Ito rin ang kapalaran ng kababayang si Warren Kiamco na matapos naman ang 5-4 makapigil-hiningang kabiguan kay Tony Drago ng Malta ay ginapi naman si Christian Reimering ng Germany at manatili sa Group 9.

Nagpamalas naman ng impresibong pagbangon si Ramil Gallego sa nasabing grupo nang pabagsakin nito si Reimering, 5-0 at Konstantin Stephanov, 5-3.

Patuloy ang pagbabalik ni Antonio Lining mula sa opening day loss kay Thorsten Hohmann ng Germany nang umiskor ito ng komportableng 5-2 panalo laban kay Marc Holtz ng Luxembourg sa kanyang grupo.

Lumasap naman ng kabiguan sina Lee Van Corteza at Dennis Or-cullo.

Tinalo ni Busan Asian Games gold medalist Young Hwa Jeong ng South Korea si Corteza at yumuko naman si Orcullo kay Marcus Chamat ng Sweden, 4-5.

Lalo namang lumabo ang pag-asa ni Ronnie Alcano na may 1-4 record sa Group 4 na kinabi-bilangan ni Reyes nang matalo ito sa qualifier din na si Roxton Chapman ng England, 5-4 at John Horsfall, 5-3, na bumigo sa kampanya ng bansa na maka-]usad ang 9 na Pinoy cue artists sa round of 64 na magsisimula ngayon.

ALAN ROLON

ANTONIO LINING

ATLANTIC CANADIAN

BUSAN ASIAN GAMES

CARDIFF GAMES

CHRISTIAN REIMERING

DENNIS OR

EVGENY STALEV

JEFF KENNEDY

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with