Kaligayahan ng Pinoy pinutol ng Frenchman
July 12, 2003 | 12:00am
BANGKOK--Winakasan ni Jerome Thomas ng France ang selebrasyon ng RP Revicon Boxing Team noong nakaraang Huwebes ng gabi nang kanyang pigilan ang defending flyweight champion na si Violito Payla sa medal bout ng World Amateur Boxing Championships dito sa Nimibutr Gymnasium.
Ipinakita ni Thomas na mas matikas siya sa nasabing division nang kanyang iposte ang RSC-CCL (Referee-Stopped Contest-Count Limit) decision sa third round ng kanilang laban ng Armyman mula sa Cagayan de Oro.
Dahil sa pagkatalo ni Payla, tanging si Harry Tanamor na lamang ang nalalabing entry na sasabak sa semifinals para sa awtomatikong bronze.
Tinalo ni Tanamor, bronze medalist sa nakaraang 2001 edisyon ng nasabing biennial meet na ginanap sa Ireland si Zhmarlik Starhei ng Belarus, 25-13 upang isaayos ang kanyang semifinals showdown kontra kay Zou Shiming ng China.
Sa Biyernes ng gabi, aakyat si Tanamor sa ibabaw ng lona kung saan tangka niya ang finals kontra naman sa Chinese pug na gumawa ng malaking balita dito sa round-of-16 nang kanyang patalsikin ang defending champion na si Yan Varela Varteleny ng Cuba sa round-of-16 bago isineguro ang kanyang bansa para sa kauna-unahang world championship medal nang gapiin naman si Dydi Rudole ng Slovakia, 21-9.
Ang iba pang kalahok sa lightfly-weight semifinals ay si Sergei Kazakov ng Russia at Nouman Karim ng Pakistan.
"This is it. Harry has duplicated his feat in Ireland in 2001. But I know he wont stop from here. The Chinese is a real classy boxer and I hope that he (Tanamor) could take him," wika ni Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) at Federation of Asian Amateur Boxing (FAAB) secretary general Manny Lopez na siya ring head ng delegation na ipinadala rito ng Revicon na may suporta mula sa Pacific Heights, Family Rubbing Alcohol, Accel at Philippine Sports Commission.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am