Pinangunahan ni Dominador Javier ang pananalasa ng Altas nang umiskor ito ng kabuuang 22 puntos.
Isang tres sa huling 2 minuto ng laro ang nagpalawig sa abante ng Altas, 71-64.
Nagtulong sina Khiel Misa at Marcel Cuenco para sa 5-0 run nang Altas at mula sa 61-62 pagkakabaon ay nakuha ang trangko 66-62 may 6:26 pa ang nalalabi sa fourth quarter.
Ngunit hindi nawalan ng lakas ng loob ang Stags at nang humirit si Michael Gonzales para muling ilapit ang iskor sa 64-66.
Hindi nagpabaya ang Altas nang muling ilayo ang benthae sa 71-64 may 2:28 na lang ang nalalabing oras sa laro.
Umiskor ng tig-22 puntos sina Cuenco at Javier.
Sa isa pang seniors game, nakalusot ang Philippine Christian University sa tang-kang rally ng College of St. Benilde para sa 69-68 tagum-pay.
Ito ang unang panalo ng Dolphins sa dalawang asignatura habang nanatiling walang panalo ang Blazers.
Abante na sa 68-61 patungo sa huling tatlong minuto ng laban, napigil ng Blazers ang Dolphins sa isang puntos lamang.
Ngunit umiskor ng dalawang mahahalagang free-throws si Aldrin Guiyab para sa marginal points ng kanyang team. Bagamat nagtala lamang ng 8 puntos si Guiyab, humataw naman ito ng 19 rebounds para sa kanyang impresibong pagdadala sa Dolphins.
Nagkaroon ng tsansa ang CSB na maagaw ang laro ngunit nagmintis ang three-point shot ni Al Magpayo kasabay ng final buzzer.
Natabunan naman ng SSC Staglets ang kabiguan ng kanilang seniors nang magwagi sila sa UPHR Altalettes, 97-64.