^

PSN Palaro

PSC: Lalong Gumugulo

GAME NA - Bill Velasco -
Umiinit na ang gulo sa loob ng Philippine Sports Commission. Naipahiwatig na ng inyong lingkod na may namumuong alitan sa pagitan ng PSC at Philippine Olympic Committee. Subalit hindi lang sa labas nagkakagulo. Maging sa loob ng komisyon mismo, nag-kakaroon na ng kanya-kanyang partido.

Napipinto raw ang pagpapatanggal kay Commissioner Butch Ramirez, ang natatanging appointee ng dating Pangulong Joseph Estrada. Tila hinahanapan ng butas ang tahimik at episyenteng guro dahil hadlang siya sa mga di-maintindihang balak ni PSC chairman Eric Buhain. Alalahanin lang natin ang laki ng tiwala ni Pangulong Gloria Arroyo kay Ramirez, na bumuo sa Mindanao Friendship Games, at umupo sa piling ng mga matataas ang katungkulan sa Mindanao para tulungang magkaroon ng kapayapaan doon.

Mukhang isa-isang nanganganib ang ibang commissioner ng PSC. May nakapagsabi sa inyong lingkod na wala pang kasong sexual harrassment ang naisasampa laban kay Commissioner Mike Barredo sa Baguio, subalit paano kumalat na sa media ang mga detalye? At bakit sinasabi ni chairman Buhain na bahala na si Pangulong Arroyo sa kaso, samantalang wala pang katibayang may nagawa ngang masama si Barredo? Hindi ba dapat ipagtanggol ni Buhain ang kanyang kasamahan habang wala pang matibay na ebidensya? Hindi ba "innocent until proven guilty?" Bakit nagmamadaling ipinarating sa Pangulo?

Hindi yata naisip ng ilan sa mga sumakay sa istorya na magda-dalawang dekada nang bulag si Barredo. Paano niya mapipilit ang kanyang sarili sa sinumang babae kung hindi niya makita ang gina-gawa nito? Kung tinakbuhan siya, mahahabol ba niya? Kataka-taka ang mabilis na pagkalat ng paninira kay Barredo, hindi ba? At kung tutoo man, lalabas at lalabas ang detalye, na hanggang ngayo'y wala pa.

Isa pa, bakit biglang naputol diumano ang suporta ng PSC kay Lizza Danila, na ngayo'y nangangailangan ng psychiatric treatment para sa trauma ng kanyang pagpapatalsik mula sa Australya? Ayon kay Com. Leon Montemayor, bagamat di sila lahat sang-ayon sa laki ng allowance ni Danila, napagkasunduan na raw ng PSC Board na ilaban muna ang dalagita sa SEA Games bago pag-aralan muli ang salaping ipinapadala sa kanyang pag-aaral sa Australya. Kung ga-noon, bakit biglang tinigil ang pagpapadala ng pera sa kanya?

Masama na ang loob ng mga ibang PSC commissioner, dahil hindi nila alam ang ginagawa ng kanilang chairman. Tandaan din natin na malaki ang parte ni Buhain sa mga kilos-protesta ng mga at-leta laban sa mga nauna sa kanyang naluklok sa PSC. O baka naman may kumikilos sa ilalim niyang di niya nalalaman. Huwag tayong ma-gulat kung may bumulaga na namang kaso laban sa iba pang PSC commissioner. Hindi malayong mangyari ito. Kung ang isang bulag na kasama nila'y walang-awang pinatulan, bakit hindi ang iba?

Sinabi ni Ramirez na hinihimok na siya ng kanyang maybahay at mga anak na bumalik na lamang sa tahimik na buhay sa Davao. Su-balit hindi papayag ang 53-taong gulang na sportsman na umalis na lamang ng basta-basta, lalo na't dinudungisan ang kanyang pangalan at nasasaktan ang mga atleta. Marami siyang kaibigan na marami rin ang bala laban sa mga kumakalaban sa kanya. Naghihintay lamang sila ng pagkakataon na ipagtanggol siya.

Hindi nalalaman ng mga kinauukulan na minamanmanan na sila ng Malacañang. Nakarating na sa Pangulo ang ilang kalokohang nangyayari diyan. Kung gugustuhin lamang ng Pangulo, madali niyang mahuhukay ang katotohanan.

Malapit na.

AUSTRALYA

BARREDO

BUHAIN

COMMISSIONER BUTCH RAMIREZ

COMMISSIONER MIKE BARREDO

KANYANG

PANGULO

PSC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with