Awtomatikong pagpasok sa Champions League asam ng FEU

Umaasa ang Far Eastern University na makakasama nila ang University of Santo Tomas, University of the Philippines, De La Salle University, National University at Univer-sity of the East na awtomati-kong seeded sa Champions League national champion-ships sa Nobyembre hindi tulad ng kapalaran ng Ateneo.

Maliban sa defending champion Blue Eagles na hindi nakaasa sa serbisyo ng kanilang key players na sina Wesley Gonzales at Rich Alvarez, na natalo sa San Beda Red Lions noong Martes, lahat ng UAAP teams sa Grudge Games ay nanalo sa kani-kanilang laban.

At kilala ng Tamaraws kung sino ang kanilang nais na ma-kasama. Ang problema lang ay ang St. Francis Doves na kanilang makakalaban ngayong alas-4 ng hapon sa Makati Coliseum na walang balak na hindi mapasama sa outright berth sa Round-of-32 Cham-pions League finals.

Seeded na sa tournament proper ang apat na teams mula sa UAAP, NCAA at CESAFI (Cebu), at champions ng NCRAA, CUSA, NAASCU, UCAA, Southern NCAA, BEAL-Baguio, UCAAP-Dagupan, NOPCEA-Bacolod, ISAA-Iloilo, PRISAA-Davao at Inter-School-Dumaguete.

Kung sinuman sa mga su-musunod na eskuwelehan ang hindi makakapasa sa kanilang mother leagues, ang Las Piñas College, UST, University of Manila, UP, Adamson, DLSU, Emilio Agui-naldo College, San Beda at UE, ang makakakuha ng outright ticket sa bisa ng kanilang magandang laro sa Grudge Games.

Maghaharap naman para din sa awtomatikong spot sa ganap na alas-2 ng hapon ang St. Clare-at University of Assumption.

Show comments