^

PSN Palaro

Tigers finalist na

-
Tuluyan nang maide-depensa ng Coca-Cola Tigers ang kanilang titulo nang makasulong ito sa finals matapos ang 99-93 panalo kontra sa Sta. Lucia Realty kagabi sa Game Four ng kanilang Samsung-PBA All-Filipino Cup semifinal game sa PhilSports Arena.

Matapos lumamang ang Tigers ng 24 puntos, naglaho ito nang makadikit ang Sta. Lucia sa 93-95 sa tulong ni Kenneth Duremdes, na nagbalik aksiyon na, matapos nitong ma-tip in ang nag-mintis na tres ni Francis Adriano, 52 segundo na lamang ang nalalabi.

Hindi naka-iskor sa dalawang sunod na posesyon ang Sta. Lucia nang pumaltos ang layup ni Adriano at ang dalawang sunod na attempts ni Dennis Espino.

Na-split naman nina Jeffrey Cariaso at Poch Juino ang kanilang free-throws upang iposte ang 97-93 kalamangan, 25 segundo ang natitira sa orasan.

Tuluyang isinelyo ni Rudy Hatfield ang final score na nagkaloob sa Tigers ng 3-1 panalo-talo sa best-of-five semis series at nagluklok sa kanila para sa best-of-seven titular showdown.

Makakalaban ng Tigers ang mananalo sa pagitan ng Talk N Text Phone Pals at Alaska Aces na kasalukuyang naglalaban pa habang sinusulat ang balitang ito.

Humulagpos ang Tigers sa ikatlong period para palobohin ang 50-42 bentahe sa halftime sa 24 puntos, 82-58 sa pagtatapos ng third quarter.

Sa yugtong ito humataw si Rob Wainwright ng 11 puntos sa kanyang tinapos na 18 puntos katulong sina Cariaso at Johnny Abarrientos na may pinagsamang 15 puntos.

Nabigo naman ang pagbabalik ni Duremdes mula sa injured calf muscle bagamat nagtala ito ng kabuuang 17 puntos sa laro.(Ulat ni Carmel V. Ochoa)

vuukle comment

ALASKA ACES

ALL-FILIPINO CUP

CARMEL V

COCA-COLA TIGERS

DENNIS ESPINO

FRANCIS ADRIANO

GAME FOUR

JEFFREY CARIASO

JOHNNY ABARRIENTOS

KENNETH DUREMDES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with