^

PSN Palaro

Commissioner ng PSC kinasuhan ng sexual harrasment

-
Nahaharap sa isang malaking eskandalo ang Commissioner ng Philippine Sports Commission na si Mike Barredo.

Isang kasong sexual harrassment ang isinampa ng isang 22-anyos na janitress laban kay Barredo, isang bulag kamakalawa sa Baguio City Prosecutor’s office sa nangyaring insidente kamakalawa sa Teacher’s Camp.

Ngunit ang nasabing akusasyon ay mariing itinanggi ng Commis-sioner at nagsabing hindi niya kilala ang isang ‘Isabel’ na siyang naghain ng demanda.

Nakasaad sa demanda ni Isabel na naganap ang nasabing insidente noong Hunyo 8, bandang alas-8:45 ng umaga habang nililinis niya ang cottage na tinuluyan ni Barredo.

"I cannot comment on that right now kasi hindi ko pa alam ‘yung complaint. May kinausap na akong tao to confirm that. Sigurado after that I will make a statement," wika ni Barredo kahapon.

Matatandaan na noong nakaraang Linggo ay nagpunta si Barredo sa Baguio City para sa isang sports for the disabled seminar.

"I don’t know these people. I don’t want to be judge by what I don’t know. I will talk to my lawyer to answer for this complaint," ani pa Barredo.

Si Barredo ang ikaapat na opisyal ng naturang ahensiya ang inirekla-mo ng sexual harrassment.

Matatandaan na sa liderato ni dating PSC chairman Cecil Hechanova noong 1993, napilitang magbitiw sa kanyang tungkulin si Jun Castro bilang Commissioner matapos na ireklamo ng isang babaeng diver ng pang-momolestiya.

Ito ay sinundan ni dating PSC chairman Butch Tuazon na inireklamo naman ng isa niyang empleyada, na sinundan ni Executive director Dr. Lucrecio Calo.

vuukle comment

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY PROSECUTOR

BARREDO

BUTCH TUAZON

CECIL HECHANOVA

DR. LUCRECIO CALO

ISANG

JUN CASTRO

MATATANDAAN

MIKE BARREDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with