Lhuillier, Compak nanalo uli
May 28, 2003 | 12:00am
OZAMIZ CITY Ipinagpatuloy ng highly-rated M.Lhuillier Kwarta Padala-Cebu at Compak Shineway-Ozamiz ang kanilang pananalasa sa pagposte ng ikalawang sunod na panalo noong Linggo upang magsosyo sa liderato sa NBL first National Championship sa Gov. Angel N. Medina Memorial gym dito.
Nagsama ng lakas ang guard na si Aldrich Reyes at beteranong sentro na si Darryl Smith sa itinumbang 43 puntos upang trangkuhan ang Jewelers sa pagposte ng 81-74 panalo kontra sa Air-Philippines-Bacolod Flights, habang sumandig naman ang host sa tikas nina Melfred Sampilo at Boyet Guerrero upang hiyain naman ang Spring Cooking Oil-Bulacan, 75-64.
Magbabalik ang aksiyon sa Hunyo 6 sa C. P. Tinga Memorial Hall sa Taguig, Rizal kung saan tampok ang double-header na sagupaan ng Spring at Tarlac sa alas-5 ng hapon at Bacolod kontra naman sa Forward Taguig sa alas-7 ng gabi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended