^

PSN Palaro

2nd win asam ng Viva at Montana

-
Tangka ngayon ng Viva Mineral Water at Montana na masungkit ang ikalawang sunod na panalo sa kanilang magkahiwalay na laban sa pagpapatuloy ng semifinals ng Sunkist-PBL 2003 Unity Cup sa San Juan gym.

Makakaharap ng Water Force ang Hapee sa alas-2 ng hapon na agad susundan naman ng bakbakan ng Jewelers at John-O sa alas-4 ng hapon.

Nagpamalas ng walang kamatayang determinasyon ang Viva nang bumangon sila sa 20-35 deficit sa likuran ng kabayanihan nina Dennis Miranda at Jeff Napa upang maagaw ang trangko tungo sa panalo kontra sa John-O 60-58 noong Miyerkules.

Sa kabilang dako, mas pinapaboran naman ang Hapee dahil dalawang beses na itong nanalo sa eliminations. Una ay sa iskor na 59-42 at ikalawa ay sa iskor na 64-62 sa kanilang out-of-town match.

At katulad naman ng Ha-pee, nais ibangon ng John-O ang kanilang koponan mula sa nakakadismayang kabiguan sa Viva upang muling ulitin ang kanilang 81-64 panalo laban sa Montana noong una silang magharap.

Samantala, sa PBL Mid-gets 13-under, target ng Blu Star-Xavier ang solo liderato sa kanilang pakikipagtagpo sa Regent Cheese Balls para sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa alas-9:30 ng umaga at magdedebut naman ang Hapee Toothpaste-Ateneo kontra sa Sunkist sa alas-11 ng umaga.

vuukle comment

BLU STAR-XAVIER

DENNIS MIRANDA

HAPEE

HAPEE TOOTHPASTE-ATENEO

JEFF NAPA

JOHN-O

REGENT CHEESE BALLS

SAN JUAN

SUNKIST

UNITY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with