^

PSN Palaro

Malungkot na naman ang mga kalsada

SPORTS LANG... - Dina Marie Villena -
Tapos na ang Tour Pilipinas 2003 at malungkot na na naman ang mga bayan at kalsadang dinanaan nito.

Gayunpaman, dapat na magsaya ang lahat dahil naipangako ng pamahalaan ng Air21 na at least five years ang kanilang pangakong suporta dito.

O bongga di ba?

Next year nga yata ay Luzon-Visayas-Mindanao na sila.

Kaya abangan na lang ninyo.

Salamat kina Bert Lina at Lito Alvarez sa kanilang pagbuhay muli sa karerang apat na taon ding nawala sa kalsada.
* * *
Nakakatuwa ang kapalaran ni Enrique Domingo sa Tour Pilipinas. Dahil naulit ang isang kasaysayan.

Hindi ko lang maalala kung 1996 o 97 yun nang kunin din ni Henry (palayaw ni Domingo sa mga taga-Star, kung saan dati siyang carrier) ang yellow jersey na sagisag ng pangkalahatang liderato.

Matapos na makuha ang Olongapo lap na kanya ring ginawa ngayong taon, natikman ni Henry ng isang araw ang yellow jersey.

Ngunit tulad nga ng kasaysayan, hindi nito namintina dahil pagdating sa akyatan sa matatarik na bundok na tulad ng sa Baguio City, hindi niya forte ito dahil sa patag na road cycling bihasa si Henry.

Gayunpaman, hindi masama ang loob ni Henry dahil inaasahan niya ito. Mas malaking konsuwelo sa kanya ang tanghaling "Sprint King". At kuntento na rin siya sa pagiging No. 6 overall na may premyong P30,000. Sa kabuuan, malaki-laki rin ang premyo niya. Bukod sa P30,000 sa pagiging ‘Sprint King, P10,000 sa Olongapo lap, P3,000 sa one-time overall niya at higit sa lahat ay ang paghahatian nilang P500,000 bilang second place sa team. Bukod pa ang Longines watch na nagkakahalaga ng P40,000.

At hindi magkamayaw sa pagpapasalamat si Henry sa Star Group of Publication Pres/CEO Miguel Belmonte sa tulong na ipinadala nito sa kanya.

Salamat daw po ‘Bossing".
* * *
Na-miss ko ang Tour ngayon. Miss ko tuloy ang aksiyon at kasiyahan nila. Miss ko rin ang laging kasama na sina Ka Pepe Chavez, M-1 Earl Sapilino, M-2 Ricky Yap Santos at si Tata Bert ng Sports Radio, at siyempre ang mga kasamang siklista at higit sa lahat mga writers. "Sorry mga kapatid hindi ako mabubuntis ngayon" (Yun ang joke nila sa akin kapag sumasama ako sa Tour eh nabubuntis daw ako).
* * *
Personal: Happy Birthday kay Wena del Prado (Bansa editor ng PSN) na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon. Gayundin kina Ronnie Halos (Opinion editor) at Louie Portugues. Magkaka-brithday sila. Happy blowout naman! Sa aming editor-in-chief na si Al Pedroche sa May 17 naman. Happy Birthday Tito Al!

AL PEDROCHE

BAGUIO CITY

BERT LINA

BUKOD

EARL SAPILINO

ENRIQUE DOMINGO

GAYUNPAMAN

SPRINT KING

TOUR PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with