^

PSN Palaro

Aguilar nanagasa sa Subic International

-
SUBIC – Ginawang sandigan ni Oscar Aguilar ang kanyang jackrabbit na panimula bago sinabayan ng kanyang malalim na karanasan upang talunin ang kanyang mga kalaban at mapagwagian ang 7th at 8th legs ng Class C category sa Subic International Raceway dito.

Sa kabila ng naunang gameplan na manatiling nakabuntot lamang sa kanyang mga kalaban, isang mabilis na hakbang ang kanyang ginawa sa kalagitnaan ng laps nang kanyang pamunuan ang umaga at hapon na karera na nagpalawig ng kanyang bentahe sa Class C sa 12-leg car racing tournament.

Si Aguilar na team captain rin ng five-man Caltex-Havoline Racing Team ay naglabas ng maningning na performance sa umagang karera sa kanyang isinumiteng 31.20.99 oras upang talunin ang kalabang si Gaby dela Merced ng apat na segundo lamang.

Hindi pa kuntento sa kanyang unang panalo, nagsama ng lakas si Aguilar at ang kanyang kakamping si Dr. Peewee Mendiola ang nagbigay sa kanilang koponan ng 1‘-2 finish na hapong karera. Si Aguilar ay mayroong 34:49.30 oras na may halos dalawang segundong layo kay Mendiola na may 34:51.21.

vuukle comment

AGUILAR

CALTEX-HAVOLINE RACING TEAM

CLASS C

DR. PEEWEE MENDIOLA

GINAWANG

KANYANG

MENDIOLA

OSCAR AGUILAR

SI AGUILAR

SUBIC INTERNATIONAL RACEWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with