Aces taob sa Realtors
April 24, 2003 | 12:00am
Para kay Kenneth Duremdes, nakabawi na siya sa kanyang dating team na Alaska matapos ang come-from-behind, 94-90 panalo ng kanyang koponang Sta. Lucia kagabi sa Samsung-PBA All-Filipino Cup sa Phil-Sports Arena.
"Its a great win for us," pahayag ni Duremdes na ipinamigay ng Alaska sa Sta. Lucia kapalit ng first round pick noong Draft. "Even na. This is sweeter, kasi come-from-behind."
Sa unang pakikipagharap ni Duremdes sa kanyang dating team noong opening day, nasayang lamang ang kanyang eksplosibong laro matapos ang 81-92 kabiguang nalasap ng Realtors.
Ngunti sa pagkakataong ito, ang kanyang 25 puntos na produksiyon at 10 rebounds ay nagkaroon ng saysay matapos maitala ng Sta. Lucia ang ikaanim na panalo sa 12 laro.
Nasira ang four-game winning streak ng Alaska na lumagok ng kanilang ikaapat na pagkatalo sa 12 laro gayunpaman ay nanatiling lider sa Group A.
Sa isang punto ng laro, nagkainitan sina coach Tim Cone at Alfrancis Chua na umabot pa sa hamunan ng suntukan ngunit pagkatapos ng laro ay nagkamayan na.
Sinabihan ni Chua ang referee na tawagan ng ikalawang technical si Cone dahil wala pa rin itong tigil sa pagrereklmao matapos tawagan ng unang technical.
Binalingan naman ni Cone si Chua ngunit naawat naman ang mga ito bago pa nagpang-abot.
Halos ginugol ng Sta. Lucia ang mahigit dalawang quarters sa pagha-habol hanggang sa kanilang pinakawalan ang 10-3 run upang agawin ang kalamangan at iposte ang 85-72 pangunguna patungo sa huling limang minuto ng labanan. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended