^

PSN Palaro

Dolosa, Davadilla babandera

-
Renato Dolosa, dating back-to-back champion, Warren Davadilla, 1998 Centennial Tour titlists, Ryan Taguilig at Lloyd Reynante, mga umuusbong na cycling icons.

Sila ang mga kakatawan ng Gilbey’s Island Punch, Intel at Samsung na pepedal sa Tour Pilipinas 2003 na gaganapin sa Abril 26 hanggang Mayo 11.

Pangungunahan ni Dolosa, tinaguriang "Thinking Cyclist, ang kampanya ng Gilbeys Island Punch sa Tour, dala ang kanyang karanasan at kaalaman para manalo ng multi-stage cycling marathon.

Makakatulong ni Dolosa ang dating national cyclists na si Lito Atilano, Michael Primero, Benigno Marmol, Desi Hardin, Reynaldo Asuncion at Ruel Casaljay na lahat ay nakatikim na ng Tour.

Si Davadilla, isa ring mahigpit na contender, ang babandera naman sa Intel kasama sina Nilo Estayo, Fernando Alagano, Michael Reyes, Arthur Bucay, Rayson Galdones at isa pang national na si Paulo Manapol.

Sina Taguilig at Reynante naman ang magdadala sa Samsung. Si Taguilig ay hinangaan sa dating Marlboro Tour bago ito nawala sa eksena noong 1998 at ngayong nagbalik na sa kalsada ang Tour, inaasahang maipapakita na niya ang kanyang talento.

Si Reynante, anak ng dating cycling hero na si Maui, ay may ibubuga rin sa pedalan.

Makakasama ng dalawang ito sina Nicanor Ramos, Arnel Espino, June Villanueva, Joel Guillen at Jay Tolentino.

Ang Tour ay tatahak ng kabuuang distansiyang 2,460 kilometro para sa 15 stage ng 18-days race na ito na may nakatayang P1 milyon para sa team champion.

ANG TOUR

ARNEL ESPINO

ARTHUR BUCAY

BENIGNO MARMOL

CENTENNIAL TOUR

DESI HARDIN

DOLOSA

FERNANDO ALAGANO

GILBEYS ISLAND PUNCH

ISLAND PUNCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with