^

PSN Palaro

Tour Pilipinas 2003 Team Profile

-
Ang pakikipaglaban sa supremidad mula sa mga koponan na suportado ng pribadong sektor ay isa sa inaabangan sa pagpedal ng mga siklista sa kalsada sa pagsisimula ng Tour Pilipinas 2003.

At ang mga ito ay ang Bowling Gold, Tanduay at PLDT-NDD teams na kapwa gigiyahan ng mahuhusay na skippers at malakas na lineup na maghahangad sa P1M top team prize at P200,000 individual champions na ipamimigay sa karera.

Ang Bowling Gold ay maagang nagpadala ng mensahe sa pagkuha kay Tour of Calabarzon 2002 champion Santy Barnachea bilang captain sa pamamahala ni Ceferino Vacunawa.

Kasama din sina Alfie Catalan, ang 5’11 national cyclist at ang beteranong si Rolando Pagnanawon para sa Bowling Gold na kabibilangan din nina Michael Gonowon, Joffrey Talaver, Dionisio Mendoza at Alfredo Mapa na kapwa mga fighters at taga-atake ni Vacunawa.

Ang walang kamatayang lakas ni Arnel Quirimit ang siya namang babandera para sa Tanduay na hahawakan ni tour veteran Hector Padilla bilang coach at kabibilangan nina Ericson Obosa, Joseph Millanes, Eric Tolentino, Oscar Espiritu, Dominador Jacob at Jesus Garcia. Ang mga naturang siklista, na bagamat kulang sa medalya ay mas mahirap na kalaban para sa pangkalahatang supremidad sa karerang ipiprisinta ng Air21.

At huwag din balewalain ang PLDT-NDD riders. Sa husay at bilis ni Alberto Primero bilang captain at assistant skipper Rainer Austria, bibigyan nila ng tinik ang mga kalaban para kay coach Alfredo Millanes.

Hahatak din para sa PLDT-NDD cyclists sina Jessie Bacudo, back-to-back champion Carlo Guieb, Noli del Rosario, Roque Bautista, Virgilio Muena at Oscar Fronda.

vuukle comment

ALBERTO PRIMERO

ALFIE CATALAN

ALFREDO MAPA

ALFREDO MILLANES

ANG BOWLING GOLD

ARNEL QUIRIMIT

BOWLING GOLD

CARLO GUIEB

CEFERINO VACUNAWA

DIONISIO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with