Ateneo de Davao, Xavier nanalasa
April 4, 2003 | 12:00am
Nagtala ng magkahiwalay na panalo ang Ateneo de Davao at Xavier University sa pagbubukas ng Sunkist Youth Basketball Championship kahapon sa Makati Coliseum.
Pinabagsak ng Davaoeños ang University of Santo Tomas, 68-59 para mangailangan na lamang ng isang panalo upang makausad sa susunod na round ng event na ito matapos umatras ang Philippine College of Criminology na hindi nakaabot sa deadline ng submission ng requirements, kaya't napilitan ang nag-organisang Sports Vision Management Group, Inc. na gawing tatlo lamang ang cast ng Group A at 15 ang bilang ng teams.
Dinimoralisa naman ng Xavier ang University of San Jose-Recoletos, 66-52, sa Group B ng four-division tournament na ito na sponsored ng Sun-kist.
Tangka ng Xavier School ang ikalawang sunod na panalo laban sa Mapua sa alas-3:00 ng hapon sa Makati Coliseum din.
Magpapahinga muna ang Ateneo de Davao habang sa iba pang laban, magsasagupa ang USJ-R at UPIS sa alas-5:00 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended