Matatandaan na noong nakaraang taong opening ceremony ng unang MYG, pinangunahan ni baseball legend Filomeno Boy Codiñera ang mga Manilenyong sports greats kasama sina swimmers Akiko Thompson, Andres Franco ng athletics, Adriano Torres Jr., ng badminton, chess Chito Garma, Joaquin Loyzaga ng football, Felicisimo Ampon ng tennis at Ricardo Fortaleza ng boxing dahil sa kani-kanilang naiambag na karangalan sa bansa.
Mayroong ring cheering squad competition para sa mga mahuhusay na paaralan sa bansa at acrobatic show upang mas lalong patingkarin ang seremonya ng 2nd MYG ngayong taon.
Magbibigay ng kasiyahan, kanta at sayaw ang mga banda at singing groups para bigyan kasiyahan ang big city sa kanilang opening rites na lalahukan ng hindi bababa sa 8,000 kabataan na may edad 15 pababa na sasabak naman sa 14 sports calendar ng MYG.
"We expect to open the 2nd MYG with a bang with this festive opening ceremony and with the intention that all week-long, competitions will be as exciting and heated among the kids," ani Arnold Ali Atienza, MASCO chairman.