^

PSN Palaro

Hapee, Nutri-licious nagparamdam

-
Nagsagawa ng 17-3 blast ang Hapee Toothpaste upang igupo ang Viva Mineral Water, 59-42 sa pagbubukas ng Sunkist-PBL 2003 Unity Cup sa San Juan Gym.

Pinamunuan nina Ryan Dy at Peter June Simon ang Teeth Sparklers sa kanilang 14 at 12 puntos ayon sa pagkakasunod ngunit si Niño Gelig ang nagningning nang magpakawala ito ng 7 puntos sa final quarter lamang.

Nakalapit pa ang Viva Water Force sa 37-41 sa jumper ni Francis Gerard Jones, may 7:33 ang nalalabi sa last period.

Ngunit mahigpit na depensa ang iginawad ng Teeth Sparklers habang nagpakawala ng triple si Gelig at basket na pinagtulungan nina Dy, Simon at Rich Alvarez sa crucial spurt na nagtatag sa 58-40 may 29.6 segundo ang nalalabi.

At kung ang laro ay indikasyon na ang Hapee ang isa sa kinukonsiderang title contender, iba naman ang nasa isip ni coach Junel Baculi.

Sa ikalawang laro, pinigil ng Nutri-licious ang Montana Jewels 69-61 para sa magandang panimula ng kanilang koponan.

Naging panauhin si San Juan Mayor JV Ejercito kung saan siya rin ang naghagis ng ceremonial toss.

FRANCIS GERARD JONES

GELIG

HAPEE TOOTHPASTE

JUNEL BACULI

MONTANA JEWELS

PETER JUNE SIMON

RICH ALVAREZ

RYAN DY

SAN JUAN GYM

TEETH SPARKLERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with